Finally! Pangulong Duterte pinangalanan sa Publiko ang mga kongresista na nangungupit sa pera ng Bayan "Ilalantad ko Kayo!"
Pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng kongreso na diumano’y kumukupit ng pera ng gobyerno sa pamamagitan ng pakikihati ng pondo sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na kung nabanggit man ang pangalan nila ay hindi ibig sabihin nito na guilty na sila dahil may pagkakataon pa silang ipagtanggol ang kanilang sarili sa korte.
Ini-relieve din ng Pangulo sa pwesto ang ilang district engineers ng mga lalawigan kung saan namumuno ang mga nasabing kongresista.
Eto ang listahan ng mga pangalan ng nasabing kongresista na ibinigay ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC).
1. Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez Sato: Dahil diumano sa ghost project.
2. Former Ifugao Rep. Teddy Baguilat: Tumatanggap ng lagay sa mga construction project sa Ifugao.
3. Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas: Humihingi diumano ng “one-time enrollment fee” na nagkakahalaga ng 1-M pesos at 10-12% na SOP bago i-award ang proyekto sa mga contractor.
4. Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal: Nagmamay-ari diumano ng construction company na humahawak ng ilang government projects sa kanyang nasasakupan.
5. Isabela 4th District Rep. Alyssa Sheena Tan: Nagmamay-ari diumano ng mga contruction company na humahawak ng ilang government projects sa kanyang nasasakupan.
6. Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza: Siya diumano ang nagdedesisyon kung sino ang mananalo sa mga bidding sa kanyang nasasakupan kapalit ng 20-25% na lagay mula sa mga contractors.
7. Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan: Mayroon diumano itong proyekto na hindi pa nagagamit ay nawasak na ng bagyo.
8. ACT-CIS Rep. Eric Yap, as caretaker congressman of Benguet: Ginagamit diumano ang kanyang impluwensiya para mamili ng district engineer sa kanyang nasasakupan para makontrol ang bidding.
9. Bataan Rep. 1st District Geraldine Roman: “Humihingi raw ito ng 10% na kickback sa lahat ng proyekto ng DPWH sa kanyang nasasakupan.”
Ilan sa mga nabanggit na pangalan ay mga kilalang kritiko ni Pangulong Duterte.
Ngunit may ilan din namang mga nabanggit na tila nagpapakita ng pagpabor noon pa man sa mga reporma na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.
Hindi pa nagbibigay ang mga nasabing kongresista ng pahayag tungkol sa mga akusasyon laban sa kanila.
Samantala ay pabiro pa ngang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya magdadalawang isip na pag-resignin ang kanyang anak na si Davao City Rep. Paolo Duterte kung nandoon man ang pangalan nito sa listahan ng mga diumano’y kurakot na mambabatas.
Finally! Pangulong Duterte pinangalanan sa Publiko ang mga kongresista na nangungupit sa pera ng Bayan "Ilalantad ko Kayo!"
Reviewed by vgbit143
on
10:40 PM
Rating:
No comments: