Apat na pulis at isa pa ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang laboratoryo ng shabu, sa Subic Zambales.
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga nadakip, na sina Police Lieutenant Reynato Basa Jr., Police Corporals Gino Dela Cruz, Edesyr Victor Alipio, Godfrey Duclayan Parentela, at isang sibilyan na si Jericho Dabu na sinasabing nangangasiwa sa shabu laboratory.
Naaresto ang mga suspek nang ikasa ang drug operation sa No. 336-B Finback St. Subic Bay, Freeport Zone, Zambales.
Isang ahente ng PDEA ang bumili ng shabu, at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang sibilyan na si Dabu, kung saan nakumpiska sa kanya ang 300 gramo ng shabu.
Inaresto naman ang mga pulis nang makita ang mga ito sa site ng shabu laboratory at agad na dinisarmahan.
Ang mga nabanggit na pulis umano ang nagsisilbing escort at protector ni Dabu.
Nasamsam sa laboratoryo ang iba’t ibang kemikal at kagamitan sa paggawa ng shabu.
Samantala, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 3 na kasama sa naturang operasyon, si Dabu ay miyembro ng Australian European at American-Chinesse National, na nangagasiwa sa drug laboratory na gumagawa ng tatlong kilo hanggang apat na kilo ng shabu kada araw.
TODAYSNEWSUPDATEPH
BREAKING NEWS: 4 na pulis na protektor at isa pa, huli sa shabu lab sa Zambales ng PDEA
Reviewed by vgbit143
on
5:57 AM
Rating:
No comments: