Good news! Bagong tren na gagamitin sa LRT-1 Cavite Extension project, dumating na sa bansa


Opisyal nang ipinakita na ngayong araw sa publiko ang mga bagong dating na 120 bagon ng tren na gagamitin sa LRT-1 Cavite Extension Project.
Mula sa nasabing bilang, nasa walong bagong bagon ng tren ang pinasinayaan sa pangunguna mismo ni Transport Secretary Art Tugade.

 

Advertisement
Ayon pa kay Tugade, ngayong taon ay itatakda ang partial operability ng LRT Line 1 Cavite extension project na inabot pa ng 19 na taong paghihintay bago ito mapakinabangan ng taumbayan.

Hindi lingid aniya sa kaalaman ng kaniyang ahensiya na marami ang nagduda sa kasalukuyang administrasyon pero ang nasabing programa ay nagsilbing larawan ng katuparan ng mga naudlot na pangako noong nakaraang administrasyon.

Samantala, inihayag din ng Department of Transportation na nasa 52% na ang pagsasakumpleto ng naturang proyekto ng LRT1 Cavite extension.

 

Advertisement
Oras na matapos ang 11.7-kilometer project, inaasahang maseserbisyujhan nito ang nasa 800,000 pasahero kada araw.

Mula rin sa isang oras at 10 minutong biyahe mula Baclaran at Bacoor, bababa na ang travel time sa 25 minuto.

Sa pagpapatuloy ng konstruksyon, pansamantalang isasara ang inner most lane (northbound) sa Cavitex РPara̱aque Bridge mula March 17 hanggang 31.

 

Advertisement
Layon nitong bigyang daan ang nakatakdang test pit works kasama ang bridge at pipe inspection para sa proyekto.

Katuwang ng LRMC sa proyekto ang Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) sa ilalim ng “Build Build Build” program.

Nauna nang sinimulan ang proyekto sa LRT1 Cavite extension sa panahon ni dating President Noynoy Aquino, at inaasahan na matatapos ito sa taong 2015 sa ilalim ng panganagsiwa ni dating Transport Secretary Jun Abaya.
 

Advertisement
Kaugnay nito, naging hit pa sa publiko ang pahayag ni Pnoy na magpapasagasa ito ng teen ora’s na hindi matapos ang nasabing proyekto.

Samantala, ang 120 na mga bagong bagon o light rail vehicles na binili ng Administrasyong Duterte ay nanggaling pa sa mga bansang Espanya at Mexico.

Ang mga bagon na ito ay siyang bubuo sa 4th generation trains na gagamitin para sa LRT-1 at Cavite extension nito.
 

Advertisement
Sa pagtutulungan at koordinasyon ng Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), Light Rail Manila Corporation (LRMC), Japan International Cooperation Agency (JICA), Mitsubishi Corporation, at Construcciones y Auxiliar de Ferrocariles (CAF) at CMX Consortium, wala nang makapipigil pa sa tuluy-tuloy na pag-arangkada ng LRT-1, maging ang isinasagawang Cavite extension nito.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

TODAYSNEWSUPDATEPH


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Good news! Bagong tren na gagamitin sa LRT-1 Cavite Extension project, dumating na sa bansa Good news! Bagong tren na gagamitin sa LRT-1 Cavite Extension project, dumating na sa bansa Reviewed by vgbit143 on 1:10 AM Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.