Naka-secure na ng aabot sa 106 hanggang 108 million doses ng COVID-19 vaccine ang bansang Pilipinas.
Ito ay matapos lagdaan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang limang term sheets mula sa mga kompanya.
Umaasa ang national government na makakukuha ang bansa ng aabot 146 hanggang 148-M doses ng COVID-19, maliban sa 40-M na galing sa Covac.
Ayon naman kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, ito ay sapat para mabakunahan ang 76 million adults sa bansa.
Dagdag pa ni Dominguez, hindi kasalanan ng gobyerno kung magkakaroon ng delay, dahil kayang bilihin ng bansa ang bakuna dahil mayroong budget.
Sa ngayon, nakikipag-usap ang bansa sa mga pharmaceutical companies gaya ng Pfizer-BioNTech, Moderna, Janssen, AstraZeneca, Sinovac, Novavax, at Gamaleya.
Samantala, ngayong buwan ng Pebrero,inaasahan ang pag-uumpisa ng pagbabakuna.
TODAYSNEWSUPDATEPH
Breaking News! Pilipinas, naka-secure na ng 106-M doses ng COVID-19 vaccine matapos malagdaan
Reviewed by vgbit143
on
5:58 PM
Rating:
No comments: