Written by Abril Cyril Rodriguez
Tinawag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga tao na patuloy na bumabatikos sa Sinovac vaccine deal ng pamahalaan.
Hanggang ngayon, patuloy pa din ang pagbabahagi ng publiko ng iba’t ibang mga opinyon tungkol sa desisyon ng pamahalaan sa pagkuha ng Sinovac vaccine na gawa ng China. May ilan sa mga netizens at mga mambabatas ang patuloy na nagtatanong sa pamahalaan tungkol sa vaccine deal para sa 25 milyon na piraso ng Sinovac. Kahit na ang Senate President na si Tito Sotto ay isiniwalat na ang pagpili sa Sinovac ay tatalakayin sa isang senate inquiry.
Sa kabila ng ingay tungkol sa isyu na ito, inilarawan naman ni Roque ang mga kritiko bilang ‘ignorante’. Inamin niya na hindi pa niya maaaring sabihin ang presyo nito, ngunit ang Sinovac vaccine ay hindi ang pinakamahal na presyo sa mga bakuna na nagawa na kontra C0VID-19.
Aniya,
Advertisement
“Iyong mga kritiko ng gobyerno talaga, tira nang tira wala namang mga alam.”
Dagdag niya,
“Nasa gitna po ang presyo ng Sinovac, hindi po siya ang pinakamahal, mayroon pang dalawang brand na mas mahal kaysa po sa Sinovac.”
Dagdag pa ng spokesperson, ang China umano ay madali lamang pakiusapan tungkol sa presyo ng bakuna lalo na sa bansa na kaibigan nila.
Ani Roque,
Advertisement
“Iyan po ang presyong nakuha natin sa PRC [People’s Republic of China], kasi alam ninyo mga komunista, wala naman silang market price eh. Puwede silang mag-decide kung ikaw ay kaibigan na ibaba ang presyo at iyan po ang ginawa nila.”
Watch This Video:
Advertisement
Advertisement
Bago nito, si Senate finance committee chair Sen. Sonny Angara ay isiniwalat ang impormasyon tungkol sa health department na ang Sinovac vaccine ay hindi aabot ang presyo sa P3,600.
Sa paghahambing, ang Pfizer vaccine, na ginagamit ngayon sa United Kingdom, Estados Unidos at iba pang mga bansa, ay nagkakahalaga ng P2,379 para sa 2 doses; And AstraZeneca’s sa presyo na P610 para sa 2 doses; Ang Moderna na sa mas mataas na presyo na P3,904 hanggang P4,504, para din sa 2 doses; habang ang Gamaleya ay nasa P1,220 para sa 2 doses.
Source: ABS-CBN, GMA
Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
TODAYSNEWSUPDATEPH
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
LOOK! ROQUE, PINANGARALAN ANG MGA KRITIKO NG SINOVAC VACCINE! “TIRA NANG TIRA WALA NAMANG ALAM”
Reviewed by vgbit143
on
5:54 PM
Rating: 5
No comments: